Gov. Reyes ng Marinduque, emosyonal sa humanitarian mission ng Isabela

CAUAYAN CITY, Isabela – Emosyonal si Governor Carmencita Reyes ng Marinduque sa pagdating ng rescue team at Humanitarian mission ng Isabela na nagdala ng daan-daang sako ng bigas at mga gamot para sa mga biktima ng bagyong Nina. Sa report ng grupo na ipinadala ng pamahalaang panlalawigan sa Marinduque, sila ang kauna-unahang nagdala ng mga tulong sa nasabing lalawigan matapos ang bagyong Nina kaya napaluha umano si Gov. Reyes sa kanilang pagdating. Agad ipinag-utos ni Gov. Faustino Dy III kay provincial administrator Atty. Noel Manuel Lopez ang pagbuo ng humanitarian…

Marinduque isinailalim na sa state of calamity

BOAC, Marinduque – Isinailalim na sa State of Calamity ang probinsya ng Marinduque dahil sa matinding pinsalang iniwan ng Bagyong Nina sa kabuhayan maging sa imprastraktura sa buong lalawigan. Matapos makapagsumite ng resolusyon ang Sangguniang Panlalawigan ng Marinduque, inanunsiyo ngayong hapon ng Disyembre 28, 2016 sa Provincial Disaster Risk Reduction Management Council (PDRRMC) at Department of Interior and Local Government (DILG) – Marinduque na nais nang gamitin ang Calamity Funds ng probinsiya upang matugunan ang mga pangangailangan ng mga residenteng lubos na naapektuhan sa hagupit ng bagyong Nina. Ayon sa…

#SulongBayaMarinduque: Volunteers and donations needed

Magpapahatid ng paunang tulong (first batch) ang Club Marinduqueno, Inc. (CMI) sa ating mga kababayan na naapektuhan ng Bagyong #NinaPH sa darating na Disyembre 30 sa mga bayan ng Torrijos at Santa Cruz. Dahilan nito, nangangailan ang CMI ng mga volunteers na nakabase sa Metro Manila upang mag-re-repack ng mga goods. Mangyaring magtungo lamang sa Eastgate Centre Bldg, 169 Epifanio de los Santos Ave, Mandaluyong City (malapit o katabi lamang ng Boni Avenue Station) mamaya, Disyembre 28, 2016 ganap na ika-5:00 ng hapon. Maaaring makipag-ugnayan sa mga numerong +63925-885-9578 para…

70% ng palayan sa Marinduque, napinsala ng bagyong Nina

BOAC, Marinduque – Nag-iwan ng matinding kapinsalaan lalo na sa sektor ng agrikultura ang bagyong Nina na may lakas na Signal no. 4 at nanalasa sa lalawigan ng Marinduque nitong Disyembre 26. Ayon sa iniulat na datos mula sa Provincial Agriculture’s Office (PAO) – Marinduque sa Provincial Disaster Risk Reduction Management Council (PDRRMC) Meeting na isinagawa kaninang umaga, tinatayang aabot sa 70 porsiyento o may kabuuang 641 ektaryang taniman ng palay ang sinira ng nagdaang bagyo samantalang halos 25 porsiyento naman ng rain-fed na palayan sa buong probinsya ang winasak nito.…

CEO of Kasal New York initiates donation drive for Typhoon Nina victims in Marinduque

Super typhoon category 4 Niña with international name Nock-Ten made its landfall in the Philippines on Christmas day. Sadly, the island province of Marinduque took the hardest hit. Countless homes, roads, and schools have been badly damaged and will need an instant repairs. There are also immediate need for clean drinking water, canned goods, rice, medicine, first aid kits, clothes and blankets. “To our overseas friends I’m knocking on your kind hearts to help our kababayans rehabilitate our devastated province immediately. Please note that I’m not a politician nor do…