Velasco at kanyang maybahay, kasama sa state visit ni Duterte sa SG

Muling makakasama ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kinatawan ng lalawigan ng Marinduque sa Kongreso na si Cong. Lord Allan Jay Velasco sa pagbisita nito sa Singapore ngayong darating na ika-15 hanggang ika-16 ng Disyembre 2016.

Kasama rin sa nasabing pagbisita ang maybahay ni Velasco na si Rowena Kristina Amara Velasco. Si Mrs. Velasco ang founder at chairperson ng Pilipinong May Puso Foundation.

Matatandaan na noong bumisita ang pangulo sa China ay kasama rin sa delegasyon si Cong. Velasco.

Samantala, kahapon Disyembre 13 ay bumiyahe na si Pangulong Duterte para naman sa dalawang araw na state visit nito sa Cambodia.

Dederetso ito sa Singapore sa Disyembre 14 at mamalagi doon hanggang Disyembre 16.

Nakabisita na si Pangulong Duterte sa ibang bansa sa Southeast Asia bilang paghahanda ng pamahalaan sa nakatakdang chairmanship ng Pilipinas sa ASEAN Summit sa susunod na taon.

What's on your mind?

Related posts

Leave a Comment