LUCENA PORT, Lucena City – Nagsimula nang makabiyahe ang mga barko mula at patungo sa mga daungan ng Lucena at Marinduque ngayong gabi, Lunes, Disyembre 26.
Ito’y matapos payagan ng Philippine Coast Guard (PCG) ang mga shipping lines na mag-resume ng kanilang operasyon kasunod ng paghina ng bagyong #NinaPH.
Inalis na ng Pagasa ang babala ng bagyo kaninang alas-5:00 ng hapon sa mga nabanggit na lugar kaya’t makabibiyahe na ang anumang uri ng sasakyang pandagat na naantala sa nakalipas na isang araw, maliban na lamang sa ilang maliliit na bangka na hindi maaaring maglayag sa gabi.
Ayon sa panayam ng Marinduque News Online kay Cristina Reyes, Starhorse shipping management officer, makakabiyahe na patungong Marinduque ang may halos 200 estranded na pasahero sa Lucena Port, Lucena City.
- 6 MSME sa Marinduque, lalahok sa Food Connect Program ng DTI - June 20, 2022
- Taas-pasahe sa mga barkong biyaheng Marinduque, ipatutupad simula July 15 - June 18, 2022
- Produksyon ng tsokolate sa Marinduque, nais palakasin ng DTI - June 16, 2022
gud morning ask ko lng po kung napinsala din ang lugar ng tugos? Kelan po kaya magkakaroon ng kuryente dun, meron na po bang tumulong na makapag charge ng mga cp ang mga tao dun para malaman ng mga kamag-anak nila sa malayo katulad ko kung okey lng sila.salamat po