SANTA CRUZ, Marinduque – Ipinagdiwang sa ibat-ibang parte ng Pilipinas ang pista ni Senyor Santo Nino nitong Enero 15. Kasabay nito, naki-Pit Senyor din ang bayan ng Santa Cruz sa makulay na pagdiriwang na ito.
Nagpakitang gilas ang ilang mga barangay na sumali sa taunang Ati-Atihan Festival 2017. Nagsimula ang gawain bandang ika-10:00 ng umaga sa pamamagitan ng pagsasagawa ng street dancing sa mga pangunahing kalsada ng Santa Cruz.
Maraming mga turista, bisita at bakasyunista ang bumuhos para makisaksi sa naturang makulay at masayang parada.
May siyam na barangay ang lumahok sa Ati-Atihan Festival Street Dancing Parade na kinabibilangan ng Bagong Silang, Balogo, Banahaw Uno at Dos, Buyabod, Lapu-Lapu, Lipa, Maharlika, Manlibunan at Pag-asa.
Sa ground presentation, ang 1st prize winner ay ang barangay Maharlika, 2nd prize winner ay ang Lipa at ang 3rd prize winner ay ang Lapu-Lapu Sitio 2.
Napunta naman sa barangay Lipa ang over-all champion sapagkat nakuha nila ang awards sa mga kategoryang Best in Custome (2nd runner up), Best in Mascot (3rd runner up) at Best Street Dancing Performance (2nd runner up).
Ang naturang aktibidad ay dinaluhan ni Mayor Marisa Red, opisyal ng bayan, mga kapitan at kagawad ng bawat barangay.
Photo by Ryan Roldan
- 6 MSME sa Marinduque, lalahok sa Food Connect Program ng DTI - June 20, 2022
- Taas-pasahe sa mga barkong biyaheng Marinduque, ipatutupad simula July 15 - June 18, 2022
- Produksyon ng tsokolate sa Marinduque, nais palakasin ng DTI - June 16, 2022