May 500 sako ng palay, ipinagkaloob ng DA sa Marinduque

BOAC, Marinduque – Tinatayang may humigit-kumulang na limang daang sako ng palay ang dumating mula sa Department of Agriculture Regional Field Office MIMAROPA ngayong araw, Enero 19 bilang tulong sa relief operations para sa mga magsasaka sa probinsya.

Ang tulong na ipinaabot ay tinanggap ng Provincial Agriculturist Office na inaasahang maipararating sa anim na Municipal Agriculturist Office ng Marinduque.

Matatandaan na ang tulong na ito ay isa sa mga ipinangakong ayuda ni Sec. Emmanuel “Manny” Pinol noong bumisita ito sa lalawigan noong ika-4 ng Enero.

Photo courtesy of Marinduque Provincial Government
What's on your mind?

Related posts

Leave a Comment