DSWD Sec. Taguiwalo binisita ang Marinduque matapos ang Bagyong Nina

BOAC, Marinduque, Enero 1 – Binisita ng kalihim ng Department of Social Welfare and Development ang lalawigan matapos manalasa dito ang bagyong Nina. Kasama ni Sec. Judy Taguiwalo ang kaniyang mga kawani at ang Office of Civil Defence-Mimaropa noong Disyembre 30. Sa kanyang pagdalo sa pagpupulong ng Provincial Disaster Risk Reduction Management Council sa Session Hall, Provincial Capitol kasama ang mga coordinator ng bawat Municipal Disaster Risk Reduction Management Office ng anim na bayan ng lalawigan, nalaman ng kalihim ang mga pangunahing pangangailangan ng 52,000 apektadong pamilya na tinatayang binubuo…