Isang delivery boy, nagbigti-patay sa Santa Cruz

Isang delivery boy ang nagbigti gamit ang lubid sa Barangay Lipa, Santa Cruz, Marinduque.

Kinilala ang biktima sa alyas na Ison, 21 taong gulang at residente ng nabanggit na lugar.

Ayon kay Dr. Tito Rejano, nagsagawa ng medico legal examinaation, bandang alas 8:30 ng umaga nang rumesponde sila kasama ang Santa Cruz PNP sa pangunguna nina Police Officers Bill Pernia at Dennis Ricohermoso sa bahay ng biktima.

Dagdag pa ni Rejano, ito ang pangalawang pagkakataon na may nagpakamatay sa bayan ng Santa Cruz ngayong taong 2017.

Samantala, hindi naman malinaw kung ano ang motibo ng biktima sa kanyang pagpapakamatay.

What's on your mind?

Related posts

Leave a Comment