Binata sugatan sa aksidente sa motorsiklo sa Cabuyo, Torrijos

TORRIJOS, Marinduque – Sugatan ang isang lalaki matapos maaksidente sa ‘national highway’ na sakop ng barangay Cabuyo sa bayan ng Torrijos, Marinduque.

Nakilala ang nasugatang biktima na si Marco Watiwat, dalawampu’t anim na taong gulang, residente ng nasabing barangay.

Ayon sa ilang nakasaksi, naganap ang aksidente malapit sa Paaralang Elementarya ng Cabuyo bandang alas 9:30 kaninang umaga. Nag ‘slide’ umano ang sinasakyang motorsiklo ng biktima at saktong dating naman ng isang sasakyan kaya sumalpok ang motorsiklo sa SUV na minamaneho ng isang bumbay. Wala namang nasugatan na sakay ng SUV.

Sa ngayon ay nagpapagamot na sa ospital ang biktima habang patuloy naman ang isinasagawang imbestigasyon ng mga awtoridad sa naturang aksidente.

Photo by Rio James Postrado

Help Marinduque News stay up. Even as little as 50 pesos will be a great help!

What's on your mind?

Related posts

Leave a Comment