Maayos na supply ng tubig, hiling ng mga mamamayan sa Mogpog

By Adeline Angeles, Former Marinduque Board Member Halos anim na buwan na pong walang maayos na supply ng tubig sa bayan ng Mogpog, Marinduque. Simula pa noong Nobyembre 2016. Kung saan-saan na lang kumukuha ng tubig ang mga mamamayan lalo na sa Poblacion. Marami ang gumagastos ng P100-P200 kada araw para magpa-igib sa ibang lugar. Ang iba ay dumadayo pa sa bayan ng Boac. “Malapit na daw pong maayos”, ito ang laging sagot kapag may nagtatanong. Subalit dumaan ang Pasko, Bagong Taon, Valentines at ngayon ay mag-se-Semana Santa na pero naghihintay,…

Marinduqueno, kasama sa 14 na Pinoy crew na nawawala sa lumubog na barko sa Atlantic Ocean

SANTA CRUZ, Marinduque – Isa ang seaman na si Rodel Oblipias, 29 taong gulang, tubong Lapu-lapu, Santa Cruz, Marinduque sa labing-apat na tripulanteng Pinoy na una ng napaulat na nawawala matapos lumubog ang kanilang sinasakyang South Korean cargo ship sa Atlantic Ocean. Ikinasa na ang search and rescue mission ng Urugua­yan Navy at Brazil authorities upang mailigtas ang 14 Pinoy. Ayon sa Uruguay Navy, dalawa ang nasagip matapos ang umano’y paglubog ng barkong Stella Daisy, isang malaking Marshall Islands flagged carrier na may kapasidad na magkarga ng may 260,000 tonelada.…