2 sugatan sa pagsabog ng paputok sa bayan ng Boac

BOAC, Marinduque – Dalawang pulis na pawang miyembro ng Boac Municipal Police Station (Boac MPS) ang nasugatan matapos ang naganap na pagsabog sa barangay Santol, Boac, Marinduque.

Kinilala ang mga biktima na sina SPO2 Nelson Ricohermoso at PO2 Jeffrey Gutierrez na pawang nagpapagaling na sa Marinduque Provincial Hospital.

Bandang alas-3:10 ng hapon ng dumating sa lugar ang grupo ng mga kapulisan ng Boac MPS kasama ang mga bombero ng Bureau of Fire Protection-Boac upang sirain ang mga nakumpiskang paputok ngunit bigla umano itong sumabog. Ang nasabing mga paputok ay nakumpiska noon pang nakaraang taon.

Ayon kay SPO2 Mario Permejo, imbestigador ng Boac MPS, nilalapag na umano ng dalawang pulis ang 82 packs ng 5-star nang ito ay sumabog dahilan sa tindi ng init ng araw.

Nadamay sa pagsabog ang patrol car ng Boac MPS  at firetruck ng Boac-BFP.

Wala namang pahayag ang Bureau of Fire Protection-Boac hinggil sa nasabing insidente.

Last Update: May 10, 2017, 11:36 pm | Photo courtesy of Toby Jamilla
What's on your mind?

Romeo A. Mataac, Jr.

Chief Correspondent at Marinduque News Network
Romeo is the founder and chief correspondent of MNN. Concurrently, he is a researcher in a leading global professional services company. Myong, as he is fondly called by his friends, is a true Marinduqueno by heart who loves travelling and exploring places.​

Related posts

Leave a Comment