PPM nagsagawa ng orientation para sa mga kababaihan ng Marinduque

BOAC, Marinduque – Nagsagawa nitong Mayo 5, 2017 ng ‘orientation’ ang Pamahalaang Panlalawigan ng Marinduque (PPM) patungkol sa Republic Act 9710-Magna Carta of Women at iba pang batas na may kinalaman sa mga karapatan ng kababaihan na dinaluhan ng iba’t ibang ‘women’s group’ at mga kawani ng kapitolyo.

Dumalo rin sa nasabing ‘orientation’ si Gob. Carmencita Reyes na binigyang diin ang kahalagahan at partisipasyon ng sektor ng kababaihan sa lalawigan, gayundin ang importansya ng edukasyon sa mga bata.

Nakiisa rin sa gawain si Bokal Theresa Caballes na kilalang nagsusulong ng karapatan ng mga kababaihan sa probinsya.

Photo courtesy of Marinduque Provincial Government
What's on your mind?

Romeo A. Mataac, Jr.

Chief Correspondent at Marinduque News Network
Romeo is the founder and chief correspondent of MNN. Concurrently, he is a researcher in a leading global professional services company. Myong, as he is fondly called by his friends, is a true Marinduqueno by heart who loves travelling and exploring places.​

Related posts

Leave a Comment