LOOK: Cong. Velasco at Gov. Reyes, nagkatagpo sa kaarawan ni kapitana

MOGPOG, Marinduque – May humigit limang minuto ring nagkausap si Congressman Lord Allan Jay Velasco at Governor Carmencita Reyes ng dumalo ang mga ito sa isang okasyon kaninang hapon.

Naimbitahan kasi ang dalawa sa kaarawan ni Kapitana Lilian Sarili ng barangay Paye, Mogpog.

Ayon sa nagbahagi ng mga larawan, hindi umano agad nakilala ng gobernadora ang kongresista at kinailangan pang may bumulong dito.

 

Cong. Velasco nagmano kay Gov. Reyes

Sinalubong at nagmano naman si Velasco sa itinuturing na nanay ng probinsya.

Mapapansin na bihirang makitang magkasama ang dalawang mataas na pinuno ng lalawigan sa mga pampublikong pagtitipon.

Read also: Gov. Reyes at Mayor Velasco, magkasama sa pagdiriwang ng Labanan sa Pulang Lupa

Photo courtesy of Toper Matienzo

Tell Me What You Think

Romeo A. Mataac, Jr.

Chief Correspondent at Marinduque News Network
Romeo is the founder and chief correspondent of MNN. Concurrently, he is a researcher in a leading global professional services company. Myong, as he is fondly called by his friends, is a true Marinduqueno by heart who loves travelling and exploring places.​

Related posts