Makalipas ang apat na taon, muling nagbalik ang actor at travel host na si Drew Arellano sa Marinduque para sa shooting ng programa nitong “Biyahe ni Drew”.
Ayon sa ibinahaging mga larawan ni Joven Malabana Lilles, provincial tourism officer, ang grupo ni Arellano ay kasalukuyang nasa Maniwaya Island sa bayan ng Santa Cruz upang itampok ang aking ganda ng lugar.

Matatandaan na una ng itinanghal sa nasabing programa ang gandang yaman ng Marinduque noong Marso 2013.
Mapapanood ang Biyahe ni Drew tuwing Biyernes, 8:00 PM sa GMA News TV Channel.
Photos courtesy of Joven Malabana Lilles
- 6 MSME sa Marinduque, lalahok sa Food Connect Program ng DTI - June 20, 2022
- Taas-pasahe sa mga barkong biyaheng Marinduque, ipatutupad simula July 15 - June 18, 2022
- Produksyon ng tsokolate sa Marinduque, nais palakasin ng DTI - June 16, 2022
[…] Read also: Biyahe ni Drew, muling nagbalik sa Marinduque […]