Proyektong kapakanang panlipunan sa Marinduque inilatag ng SDC

BOAC, Marinduque — Sa nagdaan na Social Development Sectoral Committee and Annual Investment Program Presentation, tumuon naman ang mga kasapi nito para sa kapakanang panlipunan ng mga Marinduqueno. Sa sector ng pangkalusugan, nais ng Provincial Health Office (PHO) na madagdagan ang mga kagamitan sa mga ospital lalo’t higit ang mga laboratory equipment. Mungkahi rin nila na balak din nila na makapagpalagay sila ng sprinklers para sa Torrijos Municipal Hospital at Sta. Cruz Municipal Hospital bilang tugon sa fire safety guidelines ng Bureau of Fire Protection. Nais din ng PHO na…

Mga proyekto ng EDS sa Marinduque inilatag sa pagpupulong

BOAC, Marinduque – Nagsagawa ng talakayan ang mga kasapi ng Economic Development Sector (EDS) tungkol sa mga mungkahing programa at proyekto para sa taong 2018 SA Marinduque. Ayon sa Marinduque Provincial Government, kabilang sa mga dumalo at naglatag ng kanilang mga plano para sa susunod na taon ay mula sa national government agencies (NGA), local government unit (LGU) at non-government organization (NGO). Bilang miyembro ng Economic Development Sector, ipinakita ng Provincial Veterinary Office (PVetO) sa pangunguna ni Dr. JM Victoria na nais ng kanilang tanggapan na mapataas pa nila ang…

DOLE-Marinduque, magsasagawa ng job fair sa Hunyo 20

BOAC, Marinduque – Sa panayam ng Philippine Information Agency-Marinduque kay Marjun Moreno ng Department of Labor and Employment (DOLE)-Marinduque sa isinagawang Kapihan sa PIA ay naibahagi niya na magkakaroon ng job fair ang kanilang ahensya sa darating na Hunyo 20 sa gymnasium ng Marinduque State College sa ganap na ika-8:00 ng umaga hanggang ika-5:00 ng hapon. Motorcycle at grocery sales agents ay ilan lamang sa mga pwedeng aplayan ng mga aplikante na nais pumunta sa job fair. Kasalukuyan ay nakikipag-ugnayan pa rin ang DOLE sa iba pang employers sa loob…