Pawikan, aksidenteng nahuli sa lambat ng ilang mangingisda sa Gasan

Aksidenteng nahuli sa lambat ang isang pawikan habang nangingisda ang ilang residente ng Sitio Talinya, Barangay Masiga, Gasan, Marinduque kahapon ng hapon, Hulyo 25.

Agad namang ipinaalam ang pangyayari sa mga awtoridad at sa Department of Environment and Natural Resources (DENR). Sa pagsusuri wala naman nakitang sugat sa katawan ng pawikan.

Kaya naman, kasama ang mga kinatawan mula sa DENR at Gasan Municipal Police Station (Gasan MPS), pinakawalan rin sa dagat ang nasabing pawikan kaninang umaga.

Last updated on July 27, 2017 | Photo courtesy to the owner

What's on your mind?

Romeo A. Mataac, Jr.

Chief Correspondent at Marinduque News Network
Romeo is the founder and chief correspondent of MNN. Concurrently, he is a researcher in a leading global professional services company. Myong, as he is fondly called by his friends, is a true Marinduqueno by heart who loves travelling and exploring places.​

Related posts