Payahag ni Cong. Velasco hinggil sa elektrisidad sa Marinduque

Sa Facebook account ni Marinduque Representative Lord Allan Jay Velasco ay ipinahayag nito noong Hunyo 22 ang mga konkretong pagkilos na ginagawa ng kanyang opisina upang tuluyan ng masolusyunan ang problema ng kuryente sa probinsya. Narito ang kabuuan ng kanyang pahayag. “Noong nakaraang ika-13 ng Hunyo, nagtungo po ang inyong kinatawan sa National Power Corporation (Napocor) upang ilapit ang suliranin sa kuryente ng ating lalawigan. Malugod ko pong ibinabalita sa ating mga mahal na Marinduqueno na tayo ay agarang pinakinggan at pinagbigyan ng Napocor. Tinitiyak ni Napocor President Pio Benavidez…