Kaso ng pagpatay sa dalagita sa Torrijos, sisiyasatin ng Soco

Madalas nagiging pambato ng kanilang barangay sa bayan ng Torrijos, Marinduque sa mga beauty contest ang 16-anyos na si Rica Mae Ordillano. Dahil sa taglay na ganda at talino, lubos na hinahangaan ng madla ang dalaga.

Kahit marami ang nagkakagusto kay Rica Mae, isa lang raw ang napusuan ng dalaga, ang 18-taong gulang na si Jayven Apostol. Sa loob ng mahigit dalawang buwan, madalas magkita ang dalawa.

Bagaman masaya ang pagsasama ng dalawa, itinago raw nila ang kanilang relasyon sa mga magulang ni Rica Mae.

Pero sa gitna ng pagsasama ng magkasintahan, wala silang kamalay-malay sa nagbabadyang trahedyang sasalubong sa kanila. Sila pala’y minamatiyagan ng mga taong may masamang balak sa kanila.

Ano nga ba ang nangyari kay Rica Mae? Panoorin ang dokumentadong pagsisiyasat sa SOCO ngayong Sabado, 4 p.m. sa ABS-CBN.

What's on your mind?

Related posts