Tula ng batang Marinduqueno para kay Pres. Duterte viral sa social media

Marami ang natuwa at humangang netizen sa viral na video ng isang munting bata kung saan makikita at maririnig na inaalayan nito ng madamdaming tula ng pasasalamat si Pangulong Rodrigo Duterte habang nakasukbit sa tagiliran nito ang isang mahabang itak. Ang bata na tinaguriang munting makata ng bayan ay si Jay Alexis Fabrero, magwawalong taong gulang sa darating na Agosto 6 ay bunso sa pitong magkakapatid, isinilang at kasalukuyang naninirahan sa sitio Apartahan, barangay Tigwi, bayan ng Torrijos, Marinduque. Kwento ng kapatid ni Alexis na si Sheryl sa Marinduque News,…

Boac BFP, tinanghal na Best Municipal Fire Station of the Year

Tinanghal na Best Municipal Fire Station of the Year ang Boac Municipal Fire Station ng lalawigan ng Marinduque sa katatapos lamang na ika-26 na Anibersaryo ng Bureau of Fire Protection (BFP) na ginanap sa AFP Theatre, Camp Aguinaldo, Quezon City nitong Miyerkules, Agosto 2. Mismong si Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang nag-abot ng parangal na tinanggap naman ni Boac Municipal Fire Marshall Felix Echavaria, Jr. Ang aktibong pakikibahagi sa mga aktibidad ng iba’t ibang ahensya ng gobyerno, mahigpit na koordinasyon sa mga lokal na pamahalaan, maayos na pamamahala sa mga…

Miss Tourism-Marinduque 2017, pasok sa top 16 finalists ng nat’l competition

Kabilang si Princess Anne Noche ng Butansapa, Mogpog sa top 16 finalist ng patimpalak na Miss Tourism Philippines 2017. Ang mga kandidata na pumasok sa top 16 finalist ay mula sa 1) Melbourne, 2) Umingan, Pangasinan, 3) Noveleta, Cavite, 4) Ilocos Sur, 5) Pasig City, 6) Quirino Province, 7) Puerto Galera, Mindoro, 8) Manila, 9) Puerto Princesa, Palawan, 10) San Fernando, Pampanga, 11) San Pedro, Laguna, 12) San Fernando, La Union, 13) Nueva Viscaya, 14) Marinduque, 15) Palawan at 16) Quezon City. Ginanap ang kompetisyon ng pagandahan sa Chardonnay by…

Ika-117 anibersaryo ng Labanan sa Paye ipinagdiwang sa Marinduque

Ipinagdiwang ng buong lalawigan ng Marinduque ang ika-117 anibersaryo ng Labanan sa Paye sa Balimbing, Boac noong Hulyo 31. Pinasimulan ang pagdiriwang na ito sa pamamagitan ng banal na misa kasama ang mga miyembro ng Boy Scout at Girl Scout of the Philippines. Matapos nito ay binigyan naman ng pagpupugay sa pangunguna ni Boac Mayor Roberto Madla ang mga dakilang bayani na nagbuwis ng buhay noong panahon ng labanan sa Paye taong 1900. Binigyan sila ng 21 gun salute ng mga militar sa harapan ng bantayog. Read also: #WalangPasok: Hulyo 31,…