MNHS, wagi sa 5th NCCA Diwang Sagisag National Songwriting and Performance

Itinanghal na grand champion ang Marinduque National High School (MNHS) sa katatapos lamang na 5th NCCA (National Commission of Culture and the Arts) Diwang Sagisag National Songwriting and Performance na ginanap sa NCAA Building, Intramuros, Manila. Sa pag-awit ng awiting “Isang Dugo, Isang Ugat”, naipamalas nina Jerson Manahan (teacher/voice coach), Nikko Reyes (teacher/composer) at Karylle Manrique (estudyante/co-singer) ang kanilang galing sa pagkanta bilang kinatawan ng buong rehiyon ng Mimaropa. “Thank you God for the talent! Salamat po for the prayers and for those who supported us! Malupit talaga ang Composer Nikko Reyes and co-singer Karylle…

Tulay sa bayan ng Santa Cruz, bigyan naman kahit konting awa

Kagaya ng awitin ni Nora Aunor na may pamagat na “Kahit Konting Awa”, nagtatanong ang mga residente sa tatlong barangay sa bayan ng Santa Cruz kung sino baga talaga ang mapalad? Sino baga talaga ang kaawa-awa? Ang mga namumuno ba sa pamahalaan na napanis na ang laway sa kapapangako o ang mga mamamayan at mga estudyante  na nagpapakahirap tumawid sa sirang tulay na dekada na nilang pinagtitiisan at pinoproblema? “Kalbaryo para sa mga mag aaral, perwisyo sa mga mamamayan”. Iyan ang madalas na marinig na mga reklamo at mabasa sa…

Lalaking lasing sa bayan ng Boac, nanakit ng lola

Viral ngayon sa social media ang video kung saan makikita ang panununtok ng isang lalaking nakainom sa isang tindera sa bayan ng Boac. Makikita sa video na ibinahagi ni Jopat Calachan Leal sa Facebook na ilang beses na sinuntok ng nasabing lalaki ang tindera. Kinamaya-mayaan ay lumabas ang tindera sa kanyang tindahan habang sumisigaw at humihingi ng saklolo. Subalit lumapit ang lalaki sa tindera at sinuntok muli ito. Kinilala ng pulisya ang nag-amok na lalaki na si Ricardo Ritamola, Jr., 38, isang barker at nakatira sa barangay Janagdong, Mogpog. Ayon…

Barko bumangga sa isla sa Romblon, 33 sugatan

Aabot sa 33 katao ang sugatan matapos na sumalpok sa isang isla sa Calatrava, Romblon ang barkong M/V Maria Matilde ng Montenegro Shipping Lines, Inc. pasado alas-5:00 ngayong umaga, September 26. Patungo ang barko sa Romblon Port galing Odiongan Port para ihatid ang ilang pasahero na sakay nito galing Batangas. Ayon kay Cajidiocan SB Member Marvin Ramos na isa sa mga pasahero ng barko, nagising umano siya dahil akala n’ya ay may malakas na sumabog ‘yon pala ay bumangga ang kanyang sinasakyang barko. Noong una akala niya sa maliit na…

ASEAN Info Kiosk inilunsad sa Boac, Marinduque

Pormal nang inilunsad kamakailan ng Philippine Information Agency (PIA)-Mimaropa ang ASEAN kiosk sa Casa Real, Boac, Marinduque. Ang paglulunsad ay binuksan sa pamamagitan ng ribbon-cutting nila Boac Mayor Roberto Madla at PIA Mimaropa Officer-In-Charge Victoria Asuncion S. Mendoza. Ito ay sinaksihan ng mga kasapi ng Sangguniang Pambayan ng Boac maging ng mga estudyante at guro mula sa Alternative Learning System (ALS). Layunin ng Presidential Communications Operations Office (PCOO) sa tulong ng PIA na ipaalam sa mga ordinaryong mamamayan kung ano ang kahalagahan ng ASEAN Integration at paghahanda ng Pilipinas sa…