Bagama’t wala ng tropical storm signal sa Marinduque ay hindi pa rin pinapayagan ng coast guard na bumiyahe ang mga barko sa probinsya.
Month: December 2017
Byahe ng mga barko sa Balanacan Port, suspendido pa rin; Marinduque signal no. 1 na
Suspendido pa rin ang byahe ng mga barko sa buong Marinduque ngayong maghapon, Disyembre 16, 2017 sanhi ng Tropical Storm #UrdujaPH.
Byahe sa Marinduque, suspendido dahil sa malakas na hangin at alon
Sinuspindi ang mga byahe sa buong Marinduque ngayong maghapon, Disyembre 15 dahil sa malalakas na hangin at alon sa karagatan. “Ayon kay Commanding Officer Lieutenant Edison Abanilla ng Coast Guard Station Southern Quezon, kung hindi kaya ng barko, hindi kaya ng kapitan, huwag pilitin, baka madisgrasya lang,” paliwanag ni Petty Officer III Denmark Cueto ng Coast Guard Sub-Station Balanacan sa bayan ng Mogpog. “As per advise ng station, ipagpaliban o bukas na lang ang biyahe,” sabi ni Cueto,” hintayin na lang pong humupa (ang alon at ang hangin) dahil sa…
DOT, naglaan ng kalahating milyon para sa farm tourism ng Marinduque
Naglaan ang Department of Tourism (DOT) ng P570,000.00 para sa farm tourism ng Marinduque. Ito ay matapos aprubahan ng ahensya ang aplikasyon ng Dream Favor Travel and Tours, isang accredited travel agency sa Marinduque at Agrea Agricultural Communities International, isang social enterprise na nakabase sa lalawigan, ang hiling ng mga ito na magsagawa ng seminar ang DOT upang mapaunlad at mapalawak ang kaisipan ng mga mamamayan sa industriya ng turismo. Ang seminar ay isasagawa sa darating na Disyembre 13-15 sa barangay Bunganay, Boac, Marinduque. Read also: Program on accelerating farm school…
Greenhouse at vermicomposting facilities itinayo sa Buenavista
BUENAVISTA, Marinduque – Nagtayo ng isang greenhouse facility ang Municipal Agriculture Office (MAO) sa lupang pagmamay-ari ng lokal na pamahalaan ng Buenavista sa barangay Malbog na kung saan ang mga itinanim dito ay ang mga organikong gulay. Ilan sa mga halaman na pinapangalagaan ng MAO ay lettuce, bell pepper, talong, cassava, sitaw, okra at papaya na nagmula sa kanilang vermicomposting facility na nakatayo rin sa nasabing lugar. Bukod pa rito ay balak rin daw nila na magtanim ng broccoli at iba pang madahong gulay sa kanilang itinuturing na community garden.…