Bus, tumaob sa Torrijos; mga pasahero, ligtas

MABUHAY, Torrijos – Tumaob ang isang pampasaherong bus sa Barangay Mabuhay, Torrijos, Marinduque, 5:30 ng umaga nitong Linggo, Enero 28.

Sa panayam ng Marinduque News kay SP01 Gilbert Llante, imbestigador ng Torrijos Municipal Police Station, may 3 sakay na pasahero ang Jac Liner bus na may plate number na UYB770 ng maaksidente ito.

Ayon sa driver ng bus na si Manolo Ricafort, nawalan ng kontrol ang minamanehong sasakyan dahil madulas ang daan matapos umulan.

#MakeADifference: Kabayan, help us to stay up, help us to buy a video camera

Ligtas naman ang lahat ng pasahero nito gayundin ang driver at konduktor.

Paalala naman ni Llante sa mga motorista, dobleng ingat sa pagmamaneho sapagkat madulas ang mga kakalsadahan. Marinduquenews.com

Tell Me What You Think

Romeo A. Mataac, Jr.

Chief Correspondent at Marinduque News Network
Romeo is the founder and chief correspondent of MNN. Concurrently, he is a researcher in a leading global professional services company. Myong, as he is fondly called by his friends, is a true Marinduqueno by heart who loves travelling and exploring places.​

Related posts