Nanawagan si Raine Guevarra na matulungan siyang maiuwi sa Marinduque si Lola Julieta Morales, 77 taon gulang. Ayon kay Guevarra, naghahanap siya ng makakainan sa isang mall sa Daang Hari, Imus, Cavite ng makita n’yang nagpapalakad-lakad si Lola Julieta habang hawak-hawak ang tiyan nito at namamalimos ng barya. Narito ang kanyang ibinahaging post sa Facebook. “Hello po. Magandang hapon mga Ka Facebook. Gusto ko po sanang matulungan ang lola na ito na makauwi sa kanyang pamilya ngunit sa ngayon ay hindi pa sapat ang aking kakayahan para matulungan ko s’yang…
Month: January 2018
Kalesayahan Festival ng Gasan saan na ngani baga ang tungo?
Ang Kalesayahan Festival ay isang natatanging pagdiriwang tampok ang pangunahing uri ng transportasyon sa islang lalawigan ng Marinduque noong sinaunang panahon. Tangi itong ipinagdiriwang sa bayan ng Gasan tuwing buwan ng Agosto bilang pagbibigay halaga sa naging kontribusyon ng “kalesa” sa ekonomiya at kalakalan sa isla, sa paghahakot at pagdadala ng mga aning bukid ng mga magsasaka sa pamilihang bayan. Ito rin ay naging simbolo ng karangyaan ng mga may-kaya noong unang panahon. Ang salitang “Kalesayahan” ay hinango sa salitang “kalesa”, isang uri ng sinaunang sasakyang hila ng kabayo at…
Kagaya ni Uson, Velasco tumanggap din ng parangal mula sa UST alumni
Binigyan ng University of Santo Tomas si Marinduque Lone District Representative Lord Allan Jay Velasco ng parangal nitong Enero 21, 2018. Tinanggap ni Velasco ang Thomasian Award for Government Service sa katatapos lamang na UST Grand Alumni Homecoming. Sinabi ni Velasco sa kanyang Facebook post “[I’m] honored to be one of the awardees of the Gawad Thomasian Alumni in Government Service Award together with other public officials including Sen. Joel, Congressmen and Sec. Mon Lopez.” Si Velasco ay nagtapos ng Bachelor of Law sa nasabing unibersidad noong 2005. #MakeADifference: Kabayan, help…
Pawikan, nalambat sa bayan ng Mogpog
MOGPOG, Marinduque – Isang pawikan ang nahuli sa lambat ng mga mangingisda sa barangay Ulong, Mogpog. Ang pangyayari ay nasaksihan ng biker na si Macmac Naranjo. Ayon sa kanya, “Natutuwa ako sapagkat hindi nagdalawang isip ang mga mangingisda na pakawalan at ibalik ang pawikan sa karagatan.” Tinatayang aabot sa 30-50 ang kilo ng pawikan. #MakeADifference: Kabayan, help us to stay up, help us to buy a video camera Panagalawa na umano ito sa nahuli at pinakawalan nilang pawikan sa loob lamang ng buwang ito. Ang mga pawikan ay itinuturing na endangered…
Solar Energy Systems, inilagay sa iba’t ibang bayan sa Marinduque
BOAC, Marinduque — Nagtayo ng Solar Energy System (SES) sa iba’t ibang lugar sa Marinduque ang Department of Science and Technology (DOST) kaagapay ang mga lokal na pamahalaan at eskwelahan. Sa pakikipagtulungan ng Marinduque State College (MSC) at pamahalaang bayan ng Buenavista, nakapaglagay ng SES ang DOST-Marinduque sa dalawang mababang paaralan sa nasabing bayan: Binunga Elementary School at Libas Elementary School, na siya ring nagsisilbing evacuation centers sa lugar. Labinglimang small scale SES din naman ang itinayo sa mga tahanan na nabibilang sa Community Empowerment through Science and Technology (CEST)…