BOAC, Marinduque – Isinulong ng pamahalaang panlalawigan ng Marinduque ang pagsusuot ng caftan attire gaya ng pang-Samaritana sa mga ahensya ng pambansa at lokal na pamahalaan.
Ang Executive Order No. 4 Series of 2018 na pinamagatang, “An Order Requiring the Donning or Wearing of Caftan Attire which Starts on Ash Wednesday and During the Lenten Season” ay nilagdaan at ipinagtibay upang mas lalong maipakilala at mapagtibay ang pagdiriwang ng Kuwaresma at Moriones sa panahon ng Mahal na Araw sa Marinduque.
#MakeADifference: Kabayan, help us to stay up, help us to buy a video camera
Ang Moriones na taon-taong isinasagawa sa probinsya ay isa sa tatlong itinuturing ng National Commission for Culture and the Arts (NCCA) na “intangible cultural heritage” na maipagmamalaki sa mga turista.
Ang executive order na ito ay nilagdaan at ipinagtibay ni Gov. Carmencita O. Reyes nitong ika-12 ng Pebrero 2018.
Matatandaan na ang probinsya ng Marinduque ay binansagang “Lent Pilgrimage Destination of the Philippines” at “Lenten Mecca of Southern Tagalog”. –Marinduquenews.com
- Ika-100 taong otonomiya ng Marinduque, pinaghahandaan - January 28, 2019
- Ultrasound with 2D echo machine, tinanggap ng Boac health center - January 25, 2019
- Pagpapatayo ng sports academy at training center sa Santa Cruz, aprubado na - December 19, 2018