Bata, sugatan matapos kagatin ng aso sa Mogpog

MOGPOG, Marinduque – Sugatan ang isang dalawang taon at pitong buwang gulang na batang lalaki matapos kagatin ng aso sa barangay Sayao, bayan ng Mogpog, Marinduque.

Ayon sa lola ng biktima, iniwan niyang naglalaro ang kanyang apo malapit sa kanilang tahanan.

#MakeADifference: Kabayan, help us to stay up, help us to buy a video camera

Hindi namalayan ng lola na nakalayo at napunta sa kapitbahay ang bata at doon nakagat ng asong nakatali sa tarangkahan ng kanilang kapitbahay ang biktima.

Agad namang isinugod sa Marinduque Provincial Hospital ang bata upang malapatan ng dagliang lunas. -Source and courtesy of Dr. Josue Victoria, Marinduquenews.com

Related posts