Cong. Allan Velasco at misis nito, magkaka-baby na

Buntis na ang misis ni Marinduque Lone District Representative Lord Allan Jay Velasco na si Rowena Kristina Amara.

Ito ang inanunsyo ni Velasco sa kaniyang Facebook account, kung saan ay nagpost ito ng larawang nagpapakita na positibo sa pregnancy test ang misis nito na may caption, “We are trully blessed! Thank you Lord Jesus, indeed prayers have been answered. To God be all the glory!”

Resulta ng pregnancy test na ibinahagi ni Velasco sa kanyang Facebook account

Agad namang binaha ng pagbati mula sa mga kaibigan at kakilala sina Wen at Allan.

Matatandaan na taong 2012 nang ikinasal ang dalawa sa Diamond Hotel, Maynila. Marinduquenews.com

Tell Me What You Think

Romeo A. Mataac, Jr.

Chief Correspondent at Marinduque News Network
Romeo is the founder and chief correspondent of MNN. Concurrently, he is a researcher in a leading global professional services company. Myong, as he is fondly called by his friends, is a true Marinduqueno by heart who loves travelling and exploring places.​

Related posts