BOAC, Marinduque – Dumating nitong Biyernes, Hunyo 22 sa probinsya ng Marinduque si Swedish Ambassador-designate to the Philippines Harald Fries kasama ang kanyang pamilya.
Malugod at masayang tinanggap si Fries ng Agrea Farm Estate sa pangunguna ng kanilang founding farmer na si Cherrie Atilano kasama si Marinduque Lone District Representative Lord Allan Jay Velasco.
Ang Agrea ay isang social enterprise na nakabase sa Marinduque na may layuning tulungang maiangat ang antas ng pamumuhay ng mga magsasaka at mangingisda sa bansa.
Inaasahang bibisitahin din ng ambassador ang magagandang lugar-pasyalan gayundin ang ilang mga ‘farm’ sa lalawigan. –Marinduquenews.com
- 6 MSME sa Marinduque, lalahok sa Food Connect Program ng DTI - June 20, 2022
- Taas-pasahe sa mga barkong biyaheng Marinduque, ipatutupad simula July 15 - June 18, 2022
- Produksyon ng tsokolate sa Marinduque, nais palakasin ng DTI - June 16, 2022