TORRIJOS, Marinduque – Kamakailan ay nakipagpulong si Marinduque Lone District Representative Lord Allan Jay Velasco kay Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Chairman Martin Delgra III.
Sentro ng pagpupulong ang problema sa mga sasakyang door-to-door na may rutang Marinduque-Manila at vice versa.
Ayon kay Velasco, “Many issues were tackled during the meeting, including passenger safety and convenience, transportation modernization and allowable routes for public utility vehicles (PUVs)”.
Napagkasunduan nina Velasco at Delgra ang pagsasagawa ng ‘Transportation Summit’ kasama ang iba’t ibang kinatawan ng transportasyon sa probinsya upang agarang masolusyunan ang nasabing usapin. –Marinduquenews.com
- 6 MSME sa Marinduque, lalahok sa Food Connect Program ng DTI - June 20, 2022
- Taas-pasahe sa mga barkong biyaheng Marinduque, ipatutupad simula July 15 - June 18, 2022
- Produksyon ng tsokolate sa Marinduque, nais palakasin ng DTI - June 16, 2022