Curfew sa mga kabataan, ipatutupad sa Calapan City

Upang maiwasan na maging biktima o masangkot sa iba’t-ibang krimen ang mga kabataang Calapeño, minarapat ni Calapan City Mayor Arnan C. Panaligan na ipatupad ang curfew on minors City Ordinance no. 4-03 o mas kilala sa tawag na Child Welfare Code of the City of Calapan. Ang curfew ay ang takdang oras o hudyat ng pagbabawal sa mga kabataan na magpakalat-kalat sa lansangan at paalalang oras na nang pag-uwi sa kani-kanilang mga tahanan. Ang mga kabataang mahuhuling lalabag sa ordinansang ito ay agad mapupunta sa pangangalaga ng CSWD at kinakailangang…

Hayden Kho tatakbong congressman sa Marinduque vs Lord Velasco

TORRIJOS, Marinduque – Sasabak sa pulitika si Hayden Kho, mister ng celebrity doctor na si Vicki Belo, upang kalabanin umano ang kasalukuyang kinatawan ng nag-iisang distrito ng Marinduque sa Kongreso na si Congressman Lord Allan Jay Velasco. Base sa eksklusibong impormasyon na nakalap ng Abante, pinatatakbo diumano si Kho ng dating nakalaban ni Velasco na si Regina Ongsiako Reyes na pinatalsik ng House of Representatives Electoral Tribunal (HRET) bilang kongresista ng Marinduque dahil sa isyu ng citizenship. Inamin naman ni Kho ang alegasyong may nagpapatakbo sa kanya para kalabanin si Velasco pero…

Carbon-Neutral Garden, Oxygen Park, pinasinayaan sa Buenavista, Marinduqe

BUENAVISTA, Marinduque – Sinimulan nang itanim ng mga ahensya ng pamahalaan at pribadong sektor ang mga bamboo o kawayan sa isang Carbon-Neutral Garden and Oxygen Park sa barangay Yook, bayan ng Buenavista. Ang pagtatanim ng mga kawayang ito ay pinangunahan ni Eva Celestino mula sa 7Bamboo Farm kasama ang lokal na pamahalaan ng Buenavista at Marinduque State College (MSC).  Ayon kay Celestino, umabot ng limang taon bago nila tuluyang mabuo ang konseptong ito. Layunin nila na gawin ang kanilang lupain bilang eco-agri–tourism race upang magbigay ng serbisyo sa mga…

3 panukalang batas para sa turismo ng Marinduque, ipinasa ng komite

QUEZON CITY, Metro Manila – Inaprubahan ng House Committee on Tourism ang tatlong mga batas tungkol sa ecotourism na pinanukala ni Marinduque Lone District Representative Lord Allan Jay Velasco. Ang tatlong House Bills na may bilang na 7022, 7023 at 7024 ay naglalayong pangalagaan at mapabuti ang lugar na nabibilang sa ecotourism gaya ng munisipalidad ng Santa Cruz, Torrijos White Beach at Luzon Datum. Ayon kay Velasco, layunin ng proyektong ito na mas gawing kaakit-akit ang mga destinasyon na ito na hindi nababago ang porma o anyo nito. Sa presentasyon…