Kabahayan at mga gusali sa Boac, nasunog

BOAC, Marinduque – Tinupok ng apoy ang ilang kabahayan at gusali sa mga Barangay Malusak, Mercado at Murallon na itinuturing na sentro ng komersyo sa bayan ng Boac, Marinduque.

Base sa ilang mga nakasaksi, nagsimula ang sunog bandang alas 5:30 ng umaga, Hulyo 2.

Ayon kay Col. Vicky Padua-Brual, Provincial Fire Marshall, BFP-Marinduque, umabot ang sunog sa ika-apat na alarma.

Wala pang naitatalang impormasyon patungkol sa bilang ng mga establisyemento na naapektuhan ng sunog.

Patuloy ang operasyon ng bombero sa nasabing lugar. This is a developing story. Please refresh for updates. Marinduquenews.com

What's on your mind?

Related posts