P25-M halaga ng ari-arian, natupok sa sunog sa Boac

BOAC, Marinduque – Tinatayang aabot sa 25 milyong halaga ng ari-arian ang napinsala sa sumiklab na sunog sa bayan ng Boac, Marinduque nitong Lunes, Hulyo 2.

Sa panayam ng Marinduque News kay Superintendent Maria Victoria Padua-Brual, provincial fire marshal ng Bureau of Fire Protection-Marinduque, natanggap nila ang ulat tungkol sa sunog pasado alas-5:30 ng madaling araw.

Umabot sa ikaapat na alarma ang sunog at bandang alas-11:20 ng umaga nang idineklarang fire out ang lugar.

Labingpitong ‘business establishments’ ang natupok kabilang ang walong ancestral houses.

Inaalam pa ang sanhi ng pinagmulan ng apoy. Marinduquenews.com

What's on your mind?

Romeo A. Mataac, Jr.

Chief Correspondent at Marinduque News Network
Romeo is the founder and chief correspondent of MNN. Concurrently, he is a researcher in a leading global professional services company. Myong, as he is fondly called by his friends, is a true Marinduqueno by heart who loves travelling and exploring places.​

Related posts