Direktor ng DOT-Mimaropa bumisita sa Marinduque, nadismaya sa Maniwaya

SANTA CRUZ, Marinduque – Kamakailan lamang ay personal na binisita ni Department of Tourism (DOT)-Mimaropa Regional Director Maria Luisa Diploma ang probinsya ng Marinduque para isang ‘familiarization tour’. Sa unang araw ay nagkortisiya si Diploma sa tanggapan ni Boac Mayor Roberto Madla at Marinduque Governor Carmencita Reyes kung saan ito ay mainit na tinanggap at pinutungan. Nagkaroon naman ng diyalogo si Diploma kasama ang mga miyembro ng Farm Tourism Association Island of Marinduque sa ikalawang araw ng kanyang pagbisita. Tampok sa mga pinuntahan ng direktor ang magagandang pook-pasyalan sa probinsya…