5 pantalan sa Marinduque, nakatakdang isaayos ng DOTr, DPWH

BOAC, Marinduque – Nakatakdang maisasaayos muli ang limang pantalan sa mga bayan ng Boac, Torrijos at Santa Cruz na papangunahan Department of Transportation (DOTr).

Ayon kay Rep. Lord Allan Q. Velasco, kinatawan ng Marinduque sa mababang kongreso, may nakalaang P95 milyon ang DOTr sa pagsasaayos ng mga sumusunod na lugar: 1) Barangay Polo at Biga sa Santa Cruz; 2) Barangay Suha at Marlangga sa Torrijos, at; 3) Barangay Laylay sa bayan ng Boac.

Bukod sa DOTr ay kasama rin nila sa pagsasagawa ng proyektong ito ang Department of Public Works and Highways (DPWH) Marinduque District Office.

Ayon kay Velasco, malaki ang maitutulong nang pagsasaayos ng mga pantalan para sa mga Marinduqueñong umaasa sa pangingisda. Bukod pa rito ay umaasa siya na makakatulong din ang mga ito bilang daungan ng mga sasakyang pandagat maliban sa pantalan sa Balanacan, Mogpog. Marinduquenews.com

Tell Me What You Think

Kabayan, share me. Thank you!

Adrian Sto. Domingo

About the Author: Adrian Sto. Domingo is a senior correspondent of Marinduque News Network. Concurrently, he is the branch manager of Philippine Information Agency (PIA)-Marinduque. Adrian completed media and communication studies at the University of Malaya in Malaysia as an exchange student. He graduated Bachelor of Science in Mass Communication at Manuel S. Enverga University Foundation. Follow his social media account below and contact him through his email, adrian_sto.domingo@ymail.com.

Related Posts