Barangay Nutrition Scholars, tumanggap ng honorarya

BOAC, Marinduque – Naipamahagi na sa mga Barangay Nutrition Scholars (BNS) ang honorarya na nakalaan para sa kanila.

Pinangunahan ni Dr. Violet Reyes, anak ni Marinduque Gob. Carmencita Reyes ang pamamahagi nito na nagmula sa pamunuang nasyonal at pamunuang panlalawigan.

Matapos personal na maiabot ni Reyes ang honorarya ay pinasalamatan at kinilala niya ang mga BNS mula sa anim na munisipalidad. Ang mga BNS ang unang umaalam ng kalagayan ng nutrisyon ng mga tao sa kanilang barangay.

Pinayuhan din ni Reyes ang mga ito na magtanim ng gulay sa kanilang mga bakuran o community garden na bahagi ng Wellness Program na kaniyang isinusulong sa Marinduque.

Dagdag pa niya, mahalagang pangalagaan ang kalusugan upang magkaroon ng kalakasan ang katawan at isipan lalo na ang mga kabataan na sinabi niyang tatayong lider sa mga darating pang panahon. Marinduquenews.com

Tell Me What You Think

Kabayan, share me. Thank you!

Adrian Sto. Domingo

About the Author: Adrian Sto. Domingo is a senior correspondent of Marinduque News Network. Concurrently, he is the branch manager of Philippine Information Agency (PIA)-Marinduque. Adrian completed media and communication studies at the University of Malaya in Malaysia as an exchange student. He graduated Bachelor of Science in Mass Communication at Manuel S. Enverga University Foundation. Follow his social media account below and contact him through his email, adrian_sto.domingo@ymail.com.

Related Posts