BFP-Marinduque, nagsasagawa ng Basic Rescue Techniques Course

SANTA CRUZ, Marinduque – Kasalukuyang nagsasagawa ng Basic Rescue Techniques Course (BRTC) ang Bureau of Fire Protection-Marinduque sa pangunguna ni Col. Vicky Padua-Brual, provincial fire marshall sa Tamayo Training Center sa bayan ng Santa Cruz.

Ang 15 araw na pagsasanay ay nagsimula noong Setyembre 21 at magtatapos sa Oktubre 4, 2018.

Sa panayam ng Marinduque News kay Col. Vicky Padua-Brual sinabi nito, “Through this training, BFP-Marinduque will have our own Special Rescue Unit as we believe that life is of utmost value than anything else. We tender services, beyond the call of duty so that others may live.”

Ang Basic Rescue Techniques Course Class 2018-67 sa pangunguna ni Col. Vicky Padua-Brual.

Layunin ng BRTC na mas lalo pang paigtingin at palawakin ang kaalaman at kakayahan ng mga miyembro ng BFP sa pagresponde sa buhay at kagamitan sa oras ng kalamidad at sakuna.

Inaasahan namang darating si SSUPT Roderick Aguto, Regional Director ng BFP-Mimaropa. Marinduquenews.com

Tell Me What You Think

Romeo A. Mataac, Jr.

Chief Correspondent at Marinduque News Network
Romeo is the founder and chief correspondent of MNN. Concurrently, he is a researcher in a leading global professional services company. Myong, as he is fondly called by his friends, is a true Marinduqueno by heart who loves travelling and exploring places.​

Related posts