Tulay na makatutulong sa panahon ng sakuna, itatayo sa Santa Cruz

SANTA CRUZ, Marinduque – Sa isinagawang Regional Development Council (RDC) Full Council Meeting, inaprubahan ng mga miyembro ng komite ang hiling ng pamahalaang panlalawigan ng Marinduque na magtayo ng tulay sa barangay Napo sa bayan ng Santa Cruz.

Ang inaprubahang Napo Reinforced Concrete Bridge na itatayo sa nasabing barangay ay naglalayong gawing alternatibong daan sa paglikas ng mga taga-barangay Napo at Jolo sa panahon baha at iba pang sakuna.

Ayon sa iminungkahing proyekto ng lokal na pamahalaan, tinatayang aabot sa P56 milyon ang pondong gagastusin ng Department of Public Works and Highways (DPWH). Ang pagkukunan ng pondo para sa proyektong ito ay magmumula sa annual investment program (AIP) ng DPWH-Mimaropa sa ilalim ng kanilang local infrastructure projects.

Base sa napagkasunduan ng RDC, ang tulay na itatayo ay may habang 50 metro. Marinduquenews.com

Tell Me What You Think

Kabayan, share me. Thank you!

Adrian Sto. Domingo

About the Author: Adrian Sto. Domingo is a senior correspondent of Marinduque News Network. Concurrently, he is the branch manager of Philippine Information Agency (PIA)-Marinduque. Adrian completed media and communication studies at the University of Malaya in Malaysia as an exchange student. He graduated Bachelor of Science in Mass Communication at Manuel S. Enverga University Foundation. Follow his social media account below and contact him through his email, adrian_sto.domingo@ymail.com.

Related Posts