Santino, hinangaan dahil sa pagiging ‘down to earth’

BOAC, Marinduque – Hinangaan ng kanyang mga kababayan ang sikat na child actor na si Zaijian Jaranilla o mas kilala sa pangalang Santino dahil sa pagiging ‘down to earth’ nito.

Pinalakpakan ang batang aktor ng kanyang mga tagahanga ng makitang nakikipaglaro ito ng basketball nang nakahubad at nakayapak .

Si Santino ay nasa Marinduque ngayon upang magbakasyon.

Ilan sa mga pelikula at teleseryeng ginanapan ni Santino ay ang May Bukas Pa, Bagani at ang FPJ’s Ang Probinsyano. Marinduquenews.com

Tell Me What You Think

Romeo A. Mataac, Jr.

Chief Correspondent at Marinduque News Network
Romeo is the founder and chief correspondent of MNN. Concurrently, he is a researcher in a leading global professional services company. Myong, as he is fondly called by his friends, is a true Marinduqueno by heart who loves travelling and exploring places.​

Related posts