BOAC, Marinduque – Napagkalooban ng pamahalaang panlalawigan ng prosthetic legs ang piling 15 PWDs (persons with disabilities) sa Marinduque.
Hangad ng pamahalaang panlalawigan na matulungan ang mamamayang Marindukanon na makatayo at makalakad sa pamamagitan ng mga artipisyal na paa na iginawad sa kanila.
Ang paggawad ng prosthetic legs sa mga PWD ay pinangunahan ni Gov. Carmencita Reyes kasama si Dr. Violet Reyes ng Marinduque Wellness na isinagawa sa Marinduque Provincial Capitol Lobby.
Naging katuwang naman ng pamahalaang panlalawigan sa proyektong ito ang Provincial Social Welfare Development Office, AL Buenavista Enterprises, at Philippine Charity Sweepstakes Office. –Marinduquenews.com
- Ika-100 taong otonomiya ng Marinduque, pinaghahandaan - January 28, 2019
- Ultrasound with 2D echo machine, tinanggap ng Boac health center - January 25, 2019
- Pagpapatayo ng sports academy at training center sa Santa Cruz, aprubado na - December 19, 2018