PCG tiniyak ang kaligtasan ng mga pasahero sa Balanacan Port

MOGPOG, Marinduque – Isa ang Philippine Coast Guard (PCG)-Substation Mogpog sa mga ahensya ng gobyerno na naging abala sa katatapos lamang na Undas.

Sa pangunguna ni Petty Officer III Denmark Cueto, mahigpit na binantayan ng PCG-Mogpog ang Balanacan Port upang siguraduhin ang katiwasayan at kaligtasan ng mga pasaherong nagtungo at umalis ng Marinduque nitong nagdaang ‘holiday season’.

Oplan Biyaheng Undas 2018

Naging kabahagi rin ng Oplan Biyaheng Undas 2018 si Lt. Cmdr. Victorino Acosta ang station commander ng Philippine Coast Guard southern Quezon kung saan ay personal itong nagtungo sa lalawigan upang magsagawa ng ‘random inspection’.

Samantala nitong Lunes, Nobyembre 5 ay nakiisa rin ang ahensya sa Nationwide Simultaneous Earthquake Drill and Observance of World Tsunami Awareness Day na isinagawa sa Barangay Argao, Mogpog.

Ang Philippine Coast Guard-Substation Mogpog Team

“Napakaganda ng ginawa nating earthquake at tsunami drills sapagkat nagsama-sama ang iba’t ibang ahensya at organisasyon kagaya ng Philippine National Police, Bureau of Fire Protection, Provincial Disaster Risk Reduction Management Office, Office of Civil Defense, Kabalikat Civicom at Water Search and Rescue Team ng Philippine Coast Guard Auxiliary upang ihanda ang ating mga kababayan sa mga sakunang dulot ng lindol at tsunami”, bahagi ng pahayag ni Cueto. Marinduquenews.com

Tell Me What You Think

Romeo A. Mataac, Jr.

Chief Correspondent at Marinduque News Network
Romeo is the founder and chief correspondent of MNN. Concurrently, he is a researcher in a leading global professional services company. Myong, as he is fondly called by his friends, is a true Marinduqueno by heart who loves travelling and exploring places.​

Related posts