15 PWDs sa Marinduque nakatanggap ng prosthetic legs

BOAC, Marinduque – Napagkalooban ng pamahalaang panlalawigan ng prosthetic legs ang piling 15 PWDs (persons with disabilities) sa Marinduque.

Hangad ng pamahalaang panlalawigan na matulungan ang mamamayang Marindukanon na makatayo at makalakad sa pamamagitan ng mga artipisyal na paa na iginawad sa kanila.

Ang paggawad ng prosthetic legs sa mga PWD ay pinangunahan ni Gov. Carmencita Reyes kasama si Dr. Violet Reyes ng Marinduque Wellness na isinagawa sa Marinduque Provincial Capitol Lobby.

Naging katuwang naman ng pamahalaang panlalawigan sa proyektong ito ang Provincial Social Welfare Development Office, AL Buenavista Enterprises, at Philippine Charity Sweepstakes Office. Marinduquenews.com

Tell Me What You Think

Kabayan, share me. Thank you!

Adrian Sto. Domingo

About the Author: Adrian Sto. Domingo is a senior correspondent of Marinduque News Network. Concurrently, he is the branch manager of Philippine Information Agency (PIA)-Marinduque. Adrian completed media and communication studies at the University of Malaya in Malaysia as an exchange student. He graduated Bachelor of Science in Mass Communication at Manuel S. Enverga University Foundation. Follow his social media account below and contact him through his email, adrian_sto.domingo@ymail.com.

Related Posts