Taas-pasahe sa mga barkong biyaheng Marinduque, ipatutupad simula Dec 10

MOGPOG, Marinduque – Sa pagdating ng Kapaskuhan, taas-pasahe ang sasalubong sa mga pasaherong sasakay ng barko papunta at paalis ng Marinduque.

Base sa anunsyong nakapaskil sa Talao-Talao Port Terminal sa Lucena City, ang bagong pamasahe sa barko ng mga pasahero at sasakyang itatawid sa probinsya simula Disyembre 10, 2018 ay ang mga sumusunod:

Ang dagdag-pasahe ay bunsod umano ng walang tigil na pagtaas ng presyo ng langis at krudo sa pandaigdigang merkado.

“Due to unaborted increase in the price of fuel, oil and lubricants which account for around sixty percent (60%) of our shipping revenue and in view of the extremely high costs of vessel dry docking repairs and maintenance, our corporation is constrained to slightly adjust the passengers and rolling cargo rates being charged along the route of Lucena City-Balanacan, Mogpog-Lucena City”, bahagi ng pahayag ng Starhorse Shipping Lines Management. Marinduquenews.com

Tell Me What You Think

Romeo A. Mataac, Jr.

Chief Correspondent at Marinduque News Network
Romeo is the founder and chief correspondent of MNN. Concurrently, he is a researcher in a leading global professional services company. Myong, as he is fondly called by his friends, is a true Marinduqueno by heart who loves travelling and exploring places.​

Related posts