Reyes, iuurong na ang kandidatura sa kongreso, magreretiro na sa pulitika

BOAC, Marinduque – Iuurong na ni Marinduque outgoing governor Carmencita Reyes ang kanyang kandidatura sa pagkakinatawan ng lalawigan sa Mababang Kapulungan ng Kongreso.

Inaasahang magsusumite si Reyes ng Statement of Cancellation/Withdrawal ngayong hapon sa tanggapan ng Commision on Election (Comelec)-Marinduque.

Ngayong Huwebes, Nobyembre 29 ang huling araw ng ‘substitution’ para sa 2019 National and Local Elections.

Nagsimula ang karera ni Reyes sa pulitika ng mahalal ito bilang Delegada ng distrito ng Marinduque sa ilalim ng bagong Constitutional Convention noong Nobyembre 10, 1970. Tumagal ng 48 taon o humigi’t limang dekada ang karera ni Reyes sa pulitika.

Narito ang ‘timeline’ ng ‘political career’ ni Nanay Carmencita Reyes.

Si Gov. Reyes ay nakatakdang magretiro sa Mayo ng susunod na taon. Marinduquenews.com

Tell Me What You Think

Romeo A. Mataac, Jr.

Chief Correspondent at Marinduque News Network
Romeo is the founder and chief correspondent of MNN. Concurrently, he is a researcher in a leading global professional services company. Myong, as he is fondly called by his friends, is a true Marinduqueno by heart who loves travelling and exploring places.​

Related posts