Reyes, iuurong na ang kandidatura sa kongreso, magreretiro na sa pulitika

BOAC, Marinduque – Iuurong na ni Marinduque outgoing governor Carmencita Reyes ang kanyang kandidatura sa pagkakinatawan ng lalawigan sa Mababang Kapulungan ng Kongreso.

Inaasahang magsusumite si Reyes ng Statement of Cancellation/Withdrawal ngayong hapon sa tanggapan ng Commision on Election (Comelec)-Marinduque.


Ngayong Huwebes, Nobyembre 29 ang huling araw ng ‘substitution’ para sa 2019 National and Local Elections.

Nagsimula ang karera ni Reyes sa pulitika ng mahalal ito bilang Assemblywoman ng Region IV-A noong Hunyo 12, 1978. Tumagal ng 42 taon o apat na dekada ang karera ni Reyes sa pulitika.

Narito ang ‘timeline’ ng ‘political career’ ni Nanay Carmencita Reyes.

Si Gov. Reyes ay nakatakdang magretiro sa Mayo ng susunod na taon. Marinduquenews.com

Tell Me What You Think

Kabayan, share me. Thank you!

Romeo A. Mataac, Jr.

About the Author: Romeo A. Mataac, Jr. is the founder and chief correspondent of Marinduque News Network. Concurrently, he is a researcher in a leading global professional services company. He has five year background experience in finance & accounting operations and business process outsourcing. Myong, as he is fondly called by his friends, born and raised in the province of Marinduque. He loves travelling and doing community outreach activities. Email address: info.marinduque@gmail.com. Follow his social media accounts below.

Related Posts