Mahigit 1,000 pasahero stranded sa Talao-Talao Port dahil sa bagyong Usman

DALAHICAN, Lucena City – Mahigit isang libong pasahero ang stranded sa Talao-Talao Port Terminal sa barangay Dalahican, Lucena City dahil sa epekto ng Bagyong Usman.

Sa panayam ng Marinduque News kay Cris Olaguera, officer-in-charge ng Lucena Moriones Port Terminal sinabi nito, “Estimated ko po rito ‘yong nasa loob lamang ng terminal sa Talao-Talao Port ay nasa 1,000 na, hindi pa kasama ‘yong nasa covered court ng barangay Dalahican dahil hindi na nagpapasok ang PPA (Philippine Port Authority) kasi hindi na ma-accomodate ang mga pasahero sa loob ng terminal, lalo pa at umuulan wala na silang masisilungan dito.”

Samantala, umabot naman sa 20 sasakyan ang naipit sa pantalan ng Talao-Talao.

“Base sa latest forecast ng Pagasa kaninang alas 5:00 ng umaga, sa December 29 papasok pa lamang ang bagyo so probably baka bukas pa ng hapon ang balik ng biyahe”, dagdag pa ni Olaguera.

Una rito, nag-abiso ang coast guard na suspendido ang biyahe ng lahat ng uri ng sasakyang pandagat na aalis at magtutungo sa Marinduque alas 4:00 ng hapon nitong Huwebes, Disyembre 27. Marinduquenews.com

Tell Me What You Think

Kabayan, share me. Thank you!

Romeo A. Mataac, Jr.

About the Author: Romeo A. Mataac, Jr. is the founder and chief correspondent of Marinduque News Network. Concurrently, he is a researcher in a leading global professional services company. He has five year background experience in finance & accounting operations and business process outsourcing. Myong, as he is fondly called by his friends, born and raised in the province of Marinduque. He loves travelling and doing community outreach activities. Email address: info.marinduque@gmail.com. Follow his social media accounts below.

shares
error: Content is protected !!