Labi ni Gov. Reyes, dadalhin sa Marinduque sa Huwebes

BOAC, Marinduque – Nakatakdang dumating sa Balancan Port, Mogpog ang mga labi ni Gov. Carmencita Reyes sa Huwebes, Enero 10 ganap na alas 7:00 ng umaga.

Agad itong dadalhin sa Boac Cathedral para sa banal na misa sa ganap na alas 9:00 ng umaga hanggang alas 12:00 ng tanghali.

Pagsapit nang ala-una ng tanghali ay ililipat ang mga labi ng gobernadora sa Provincial Capitol Lobby para sa Necrological Service. Apat na oras mananatili roon si Reyes upang makapagbigay ng huling respeto ang mga kawani ng pamahalaang lokal at mga kababayang Marindukanon.

Pagkatapos ay muling ibabalik ang mga labi ni Nanay Carmencita sa Boac Cathedral sa ganap na alas 5:00 ng hapon hanggang alas 11:00 ng gabi.

Inaasahan namang iluluwas ang mga labi ni Reyes sa Biyernes, Enero 11 upang bigyang daan ang huling misa sa ganap na ika-9:00 ng umaga sa Sanctuario de San Antonio Church, Forbes Park, Makati City.

Ililibing ang dating gobernadora sa ika-3:00 ng hapon sa Heritage Memorial Park sa tabi ng kaniyang asawa na si dating Immigration Commissioner Edmundo Reyes, Sr. Marinduquenews.com

Tell Me What You Think

Kabayan, share me. Thank you!

Romeo A. Mataac, Jr.

About the Author: Romeo A. Mataac, Jr. is the founder and chief correspondent of Marinduque News Network. Concurrently, he is a researcher in a leading global professional services company. He has five year background experience in finance & accounting operations and business process outsourcing. Myong, as he is fondly called by his friends, born and raised in the province of Marinduque. He loves travelling and doing community outreach activities. Email address: info.marinduque@gmail.com. Follow his social media accounts below.

shares
error: Content is protected !!