BOAC, Marinduque – Itinalaga ng Department of Interior and Local Government si Bokal Mark Anthony Seño bilang bagong bise gobernador ng Marinduque ngayong araw, Enero 9.
Ito ay matapos tanggapin ni dating Vice Gov. Romulo Bacorro, Jr. kahapon ang responsibilidad sa pagkagobernador ng lalawigan kasunod ng pagpanaw ni Gov. Carmencita Reyes nitong Lunes.
Sa ilalim Saligang Batas, ang sangguniang panlalawigan member na may pinakamaraming boto ang nakatalagang humalili sa bise gobernador oras na mabakante ang huli.
“If a permanent vacancy occurs in the offices of the governor, vice-governor, Mayor, or vice-mayor, the highest ranking sanggunian member or, in case of his permanent inability, the second highest ranking sanggunian member, shall become the governor, vice-governor, Mayor or vice-mayor, as the case may be. Subsequent vacancies in the said office shall be filled automatically by the other sanggunian members according to their ranking as defined herein”, saad ng Local Government Code of the Philippines – Section 44.
Matatandaan na nakakuha si Seño ng 28,930 votes o 18.12 percent ng kabuuang boto noong 2016 national and local elections. –Marinduquenews.com
- 6 MSME sa Marinduque, lalahok sa Food Connect Program ng DTI - June 20, 2022
- Taas-pasahe sa mga barkong biyaheng Marinduque, ipatutupad simula July 15 - June 18, 2022
- Produksyon ng tsokolate sa Marinduque, nais palakasin ng DTI - June 16, 2022