Lalaki patay sa pamamaril sa Santa Cruz

SANTA CRUZ, Marinduque – Pinagbabaril hanggang sa mapatay ang isang driver ng hindi pa nakikilalang salarin habang kinukumpuni ang preno ng kanyang minamanehong truck sa bayan ng Santa Cruz malapit sa Public Market, Biyernes ng umaga.

Kinilala ang biktima na si Ulysses Malabana, 39 taong gulang, may asawa at nakatira sa Sitio Sampalukan, Buyabod.

Base sa inisyal na imbestigasyon, napag alaman na may lumapit umanong isang lalaki na naka suot ng helmet at kunwari ay nagtanong subalit ilang sandali lamang ay biglang pinaputukan ng apat na beses ang biktima.

Pagkatapos bumulagta ang driver, mabilis na umangkas ang gunman sa motorsiklong naghihintay at kumaripas ang mga ito papalayo.

Ayon sa misis ng biktima na si Nory, wala siyang natatandaan na may nakaaway ang kanyang asawa.

Aniya balak ni Ulysses na hindi muna pumasok sa trabaho kaninang umaga dahil masama ang pakiramdam nito pero napilitan din itong pumunta sa trabaho dahil tinawagan ito ng kanyang amo para bumiyahe.

Six wheeler forward truck ang minamaneho ng biktima na may biyaheng Lucena – Maynila at pag aari ng Apo Rey Trading.

Inaalam pa ng mga awtoridad ang motibo at kung sino ang suspek sa pamamaslang. Rick Pielago, Radyo Natin Santa Cruz / Marinduquenews.com

Tell Me What You Think

Kabayan, share me. Thank you!

Marinduque News

Marinduque News Network known as Marinduque News which can be pronounced as Marinduquenews [marin'dukenyos] (the people of Marinduque are called Marinduquenos) is a one stop portal of the island province of Marinduque. This site contains as it happens update, latest news and information, people, events and places.

shares
error: Content is protected !!