Ultrasound with 2D echo machine, tinanggap ng Boac health center

BOAC, Marinduque – Tinanggap ng lokal na pamahalaan ng Boac ang bagong ‘ultrasound with 2D echo machine’ mula sa Marinduque Provincial Department of Health (DOH) Office.

Ang nasabing machine ay hiniling nina Mayor Roberto Madla at mga kasapi ng Sangguniang Bayan .

Sa pamamagitan ng makinang ito ay maseserbisyon na ang mga pasyenteng taga-Boac at karatig bayan nang sa gayon ay masuri ang kalagayan ng kanilang internal organs. Bukod pa rito ay maaari na ring tingnan at suriin ang lagay ng puso ng mga pasyente sa pamamagitan ng tinatawag na echocardiography test.

Ayon kay Delbert Madrigal mula sa DOH-Marinduque, ang nasabing makina ay mananatili sa Dr. Pablo N. Marquez Municipal Health and Diagnostic Center sa Brgy. Isok 1, Boac. Marinduquenews.com

Tell Me What You Think

Adrian Sto. Domingo

Senior Correspondent at Marinduque News Network
Adrian is a senior correspondent at MNN. Concurrently, he is the branch manager of Philippine Information Agency-Marinduque. Adrian completed media and communication studies at the University of Malaya in Malaysia as an exchange student. He graduated Bachelor of Science in Mass Communication at Manuel S. Enverga University Foundation.

Related posts