BOAC, Marinduque – Nagkaroon ng pagpupulong ang mga magiging katuwang ng Provincial Tourism Office (PTO) sa paghahanda sa nalalapit na ika-100 otonomiya ng Marinduque sa taong 2020.
Hangad ng pagdiriwang na ito na gunitain ang pagsasarili ng probinsya mula sa lalawigan ng Quezon na noon ay Tayabas.
Bilang paghahanda sa nasabing okasyon, napagkasunduan na magkakaroon ng iba’t-ibang aktibidad na makatutulong sa promosyon. Magiging katuwang ng PTO sa paggawa ng centennial logo at centennial hymn ang Department of Education sa pamamagitan ng isasagawang kompetisyon na sasalihan ng mga mag-aaral mula sa mataas na paaralan.
Magkakaroon din ng centennial priority projects sa susunod na taon gaya ng centennial religious and civic events, historical and cultural events at centennial sports events.
Si Dr. Randy Nobleza, propesor ng Marinduque State College, ang naatasan naman sa pagbuo ng mission-vision statement ng pagdiriwang. – Marinduquenews.com
- Ika-100 taong otonomiya ng Marinduque, pinaghahandaan - January 28, 2019
- Ultrasound with 2D echo machine, tinanggap ng Boac health center - January 25, 2019
- Pagpapatayo ng sports academy at training center sa Santa Cruz, aprubado na - December 19, 2018