BUENAVISTA, Marinduque – Isang ginang na ‘mentally challenge’ at isang batang babae ang iniulat na nawawala sa bayan ng Buenavista simula pa noong Lunes, Enero 21.
Kinilala ang mga nawawala na sina Manilyn Metin, 29-taong gulang at anak nito na si Marian Metin, 7-taong gulang, pawang nakatira sa Barangay Malbog, Buenavista.
Ayon sa panayam ng Radyo Kamalindig media partner ng Marinduque News kay Bernadita Metin, nanay ni Manilyn, “Naga-alala po kami sa kanila. Ang anak ko po kasi na si Manilyn ay may deperesya sa pag-iisip. Bukod pa po rito, ito ay buntis at kabuwanan po ngay-on. Tapos kasama po ni Manilyn ang aking apo na si Marian. Lubos po kaming naga-alala kasi baka mawalay ‘yong bata sa kanya”.
“Sa mga nakakita o kumukupkop sa mag-ina, nakikiusap po ako sa inyo na sana naman po ay pagmalasakitan ninyo sila at tulungan kaming maibalik sila dito sa Buenavista”, dagdag na pakiusap ni Nanay Bernadita.
Kung sakaling matagpuan ang mag-ina, mangyaring ipagbigay-alam sa pinakamalapit na police station o kaya ay tumawag sa mga numerong 0946-468-6251 at 0907-743-4353. – YSG/RAMJR/Marinduquenews.com
Romeo A. Mataac, Jr.
Latest posts by Romeo A. Mataac, Jr. (see all)
- Biyahe ng Cebu Pacific sa Marinduque maaaring magsimula sa Abril 1 - February 20, 2019
- 24/7 suplay ng kuryente tinatamasa na ng isla ng Maniwaya - February 14, 2019
- SK chairman patay, 2 kasama sugatan sa aksidente sa motorsiklo sa Boac - February 7, 2019