Binata, arestado sa buy bust operation sa Buenavista

BUENAVISTA, Marinduque – Arestado ang 24-anyos na lalaki sa ikinasang buy-bust operation sa barangay Daykitin, Buenavista, Miyerkules ng hapon.

Naaktuhan si CG (di n’ya tunay na pangalan) habang nagbebenta ng ipinagbabawal na droga sa isang kawani ng Provincial Drug Enforcement Unit na nagpanggap na buyer.

Narekober mula sa binata ang pakete ng hinihinalang shabu at perang nagkakahalaga ng isang libong piso.

Nasa kustodiya ng Buenavista Municipal Police Station ang suspek habang inihahanda ng pulisya ang kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act. – AOR/RAMJR/Marinduquenews.com

Tell Me What You Think

Romeo A. Mataac, Jr.

Chief Correspondent at Marinduque News Network
Romeo is the founder and chief correspondent of MNN. Concurrently, he is a researcher in a leading global professional services company. Myong, as he is fondly called by his friends, is a true Marinduqueno by heart who loves travelling and exploring places.​

Related posts